TFAC, nakatanggap ng 220 na reklamo hinggil sa corruption activities ng ilang tanggapan ng gobyerno

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na nakapagsumite na ng midyear summary report kay Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Justice-led Task Force Against Corruption (TFAC).

Kabilang sa nakapaloob sa report ang 220 na reklamo laban sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ayon kay Guevarra, 210 sa naturang mga reklamo ang naaksyunan na nila.


Sa hanay aniya ng government agencies at units, nangunguna ang Local Government Units (LGUs) sa may pinakamaraming complaints, sumunod ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Habang ang mga ahensya naman na may malaking bilang ng reklamo ay Land Registration Authority, Department of Environment and Natural Resources (DENR) gayundin ang ilang Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs).

Kinumpirma rin ni Guevarra na 15 sa kanilang natanggap na complaints ay na-endorso na nila sa Office of the Ombudsman, may 15 kaso rin ang ni-refer nila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa case build-up at sa posibleng criminal investigation.

Habang ang iba ay ni-refer sa government agencies para sa administrative investigation.

Facebook Comments