Thai actor, arestado matapos umaming sinaksak ang girlfriend

Arestado ang sikat na Thai actor na si Thanapat “Toy Toy” Chanakulpisan matapos na patayin sa saksak ang nobya na si Chatsaran “Pim” Suwannakit.

Umamin ang Thai actor na bida sa seryeng The Dentist and The Northern Boy na sinaksak niya ng kutsilyo nang 20 beses ang girlfriend noong August 5 matapos na mag-inuman sa isang town house.

Ayon sa aktor, pinag-agawan ng mag-nobyo ang kutsilyo dahil sa banta ni Pim na sasaksakin ang sarili dahil sa nararanasang depresyon.


Nabatid ding humantong sa saksakan ang dalawa na ikinasawi ng girlfriend.

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulis si ToyToy habang hindi naman siya pinayagang magpiyansa ng korte para pansamantalang makalaya.

Facebook Comments