Isang Thai national ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos siyang mahulihan ng Bureau of Customs (BOC) sa NAIA ng shabu na nagkakahalaga ng P28 Million.
4.125 kilograms ng shabu ang nakuha mula kay Pakjira Janwong nang dumating ito sa NAIA 3 mula Bangkok, Thailand.
Nakasilid ang iligal na droga sa bagahe ng nasabing dayuhan.
Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasamsam na droga at ang dayuhang suspek.
Siya ay sasampahan ng paglabag sa Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act at paglabag sa Republic Act no. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Facebook Comments