Thailand, nangangailangan ng Pilipinong English teachers – DOLE

Nakikipagnegosasyon na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Thailand government kaugnay sa employment ng mga Pilipinong guro roon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III – inaasahang magkakaroon na sila ng Memorandum of Understanding (MOU) sa susunod na dalawang linggo.

Aniya, nangangailangan ang Bangkok ng English teachers.


Nilinaw ng kalihim na hindi pa tiyak kung ilang guro ang kailangan sa Thailand.

Facebook Comments