THANKFUL | CHR, ikinatuwa ang mabilis na pagpasa ng senate finance committee sa budget nito

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Commission on Human Right (CHR) sa Senate Committee on Finance sa mabilis na pag-apruba sa panukalang salaping gastusin ng ahensya para sa 2019.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, spokesperson ng CHR, mababa ng .48% kung ihahambing noong 2018 ang hinihinging budget ng CHR.

Bumaba na sa P689,706 million ang 2019 budget ng ahensya dahil ibinawas dito ang alokasyon para sa capital outlay.


Gayunman, ayon sa CHR hindi ito makakaapekto sa key thrusts ng ahensya.

Mananatili ang focus ngayon ang CHR sa pagpapalakas sa investigation ng mga human rights violations, independent forensic services at pagkakaloob ng one-time financial assistance sa mga pamilya ng mga witnesses at kanilang mga pamilya.

Facebook Comments