Manila, Philippines – Aminado ngayon ang actor na si Coco Martin na hindi pa din siya makapaniwalang nakatrabaho niya sina Vic Sotto at Maine Mendoza.
Say ni Coco, noong una ay inakala niyang imposible at isang pangarap lamang na maka-tandem niya si Bossing lalo na at magkaiba kasi ang kanilang TV network.
Magkaganun pa man, thankful siya sa management ng kani-kanilang station dahil 100 percent silang sinuportahan sa lahat ng bagay.
Excited na din si Coco dahil muli nilang pasasayahin ang mga Pinoy sa darating na Kapaskuhan kung saan itinuturing niyang pinakamalaking bonus sa kaniyang career ang makasama sina Vic at Maine.
Facebook Comments