Nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa international community bunsod ng pagtulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng typhoon Ompong.
Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, nagpaabot ng humanitarian assistance ang mga bansang Australia, France, Canada, China, Israel, Japan, New Zealand, Singapore, South Korea, Switzerland, Thailand, United Kingdom, at Estados Unidos nang manalasa ang bagyo.
Nagkaloob din ng assistance ang iba’t-ibang international organizations tulad ng ASEAN Coordinating Centre for Humanitarian Assistance on Disaster Management, European Union (EU) and United Nations (UN) agencies.
Samantala, sa panig naman ng DFA magtuloy-tuloy pa rin ani Cayetano ang pagbibigay ng P5,000 cash assistance sa mga OFWs na nakansela ang biyahe noong kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Ompong.