Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Malacañang sa publiko sa patuloy na pagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Inihayag ito ng Palasyo sa harap ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing tumaas sa 88 percent ang approval ratings ng Pangulo.
Habang umakyat naman sa 87 percent ang tiwala ng mga Pilipino sa Pangulo.
Pero, iginiit ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi nagtatrabaho ang punong ehekutibo para sa ratings dahil interes ng taumbayan ang pangunahing prayoridad ng Pangulo.
Mataas o mababa man ang rating, tiniyak ng kalihim na doble kayod ang pamahalaan para labanan ang iligal na droga kriminalidad at korupsyon at mabigyan ng kumportableng pamumuhay ang bawat Pilipino.
Facebook Comments