THANKFUL | SAP Bong Go, nagpasalamat sa mga Dabawenyos matapos manguna sa survey

Manila, Philippines – Malaki ang pasasalamat ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa kanyang mga kababayan sa Davao City sa kanyang pangunguna sa senatorial survey na ginawa ng University of Mindanao’s Institute of Popular Opinion.

Batay kasi sa survey ng UM-IPO ay 76% ang nakuha ni Go at kasama niya sa mga kandidato tulad nila Senator Grace Poe, Representative Pia Cayetano, Senator Sonny Angara at Senator Koko Pimentel.

Sinabi ni Go, bagaman at hindi pa siya nagpapasiyang kumandidato sa pagka senador sa susunod na taon ay ipinaramdam na sa kanya ng mga Davawebyos ang kanilang tiwala sa kanya.


Nangako naman si Go na susuklian niya ang tiwala na ito ng mas mabuting pagtatrabaho sa gobyerno at pagsisilbi ng tapat sa mamamayan.

Inamin din naman ni Go na 50-50 siya sa posibilidad ng pagtakbo sa pagka-senador para sa 2019.

Facebook Comments