Isinagawa ang isang thanksgiving party bilang pagkilala at pasasalamat sa medical team mula sa isang pribadong organisasyon sa America matapos ang matagumpay na medical, surgical, at dental mission na naghatid ng mga serbisyong pangkalusugan sa mga residente ng Dagupan.
Sa loob ng ilang araw, libu-libong Dagupeño ang nakinabang sa iba’t ibang serbisyong medikal na inilaan para sa mga residenteng nangangailangan ng agarang atensyong pangkalusugan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, bukod sa gamutan, nagbigay rin ang grupo ng suporta at pangangalaga sa mga pasyente na matagal nang hindi naaabot ng serbisyong medikal.
Binigyang-pugay sa pagtitipon ang mga doktor, nars, dentista, therapist, at volunteers ng Team USA para sa kanilang naging ambag sa isinagawang misyon.
Pinagtibay rin ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na organisasyon upang maisagawa pa ang mga kahalintulad na programang pangkalusugan sa hinaharap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










