Gumawa ng kasaysayan sa larangan ng boksing ang pinakamatandang Bantamweight Champion sa buong mundo na si Nonito Donaire.
Ito ay matapos talunin ni Donaire ang French-Moroccan boxer na si Nordine Oubaali sa 4th round ng kanilang paghaharap sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California para sa WBC bantamweight title.
Dalawang beses na pinabagsak ng 38-anyos na Filipino boxer si Oubaali sa third round at sa pagpasok ng dalawang minuto sa fourth round ay nagpagkawala na ng sunod-sunod na suntok si Donaire.
Ayon kay Donaire, napag-aralan na niya ang galaw ni Oubaali dahilan kaya nagawa niyang magpakalawa ng isang malupit na left hook na nagpabagsak kay Oubali.
Sa ngayon, aabot na sa 41 ang panalo ni Donaire at 27 dito ay sa pamamagitan ng knockout.