Isa ang First 1,000 Days Program sa higit na tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Manaoag alinsunod sa pag-implementa sa bayan bilang pagsunod sa isinabatas na Republic Act 11148 o ang Kalusugan at Nutrisyon ng Mag-Nanay.
Katuwang ng LGU Manaoag ang ilan pang mga sangay ng lokal na gobyerno lalong lalo na ang Rural Health Unit (RHU) Manaoag sa naging matagumpay na pag-implementa ng programa sa bayan.
Ang First 1,000 Days Program ay isinusulong ng National Nutrition Council (NNC) na may pangunahing layon na masuportahan at matiyak ang maayos at ligtas na paglaki ng bata sa sinapupunan, ang pagsiguro na malaya ang mga ito sa sakit tulad ng malnutrition, pagkabansot at iba pang sakit sa kanilang paglaki.
Layon din nitong mapangalagaan ang nutrisyon hindi lamang ng bata, maging ang ina na nagbubuntis sa pamamagitan ng wastong pamamaraan tulad ng pagkain ng mga masusustansya at sapat na intake ng mga kinakailangan pa.
Alinsunod dito, dahil sa matagumpay na pag-implementa ng bayan ng Manaoag, ginawaran ang lokal na pamahalaan ng National Nutrition Council (NNC) bilang isa sa tatlong bayan na nagkamit ng nasabing pagkilala. |ifmnews
Facebook Comments