Isinagawa ngayong araw, Disyembre 11, ang Hundred Islands Job Fair sa Don Leopoldo Sison Convention Center mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon.
Pinangunahan ng One-Stop-Shop Government Line Agencies ang naturang job fair, na naglalayong magbigay ng oportunidad sa mga naghahanap ng trabaho sa lungsod at kalapit na lugar.
Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Alaminos City ang aktibidad tatlong araw bago ito idinaos upang maipabatid sa publiko ang schedule at mga benepisyo ng naturang job fair.
Ayon sa LGU, layunin ng programang ito na mapadali ang pag-access ng mga mamamayan sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at makahanap ng angkop na trabaho sa isang sentrong lugar.
Facebook Comments







