The Voice USA Season 26 Champion Sofronio Vasquez, napiling umawit ng Lupang Hinirang sa ika-apat na SONA ni PBBM

Napili ng Malacañang ang award-winning tenor na si Sofronio Vasquez para umawit ng Lupang Hinirang sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 28.

Si Vasquez ang kauna-unahang Pilipino at unang lalaking Asyano na nanalo sa American talent show na The Voice noong Season 26.

Ayon sa Malacañang, ang pagpili kay Vasquez ay sumasalamin sa layunin ng administrasyon na pagsamahin ang tradisyon at kahusayan sa taunang seremonya ng SONA.

Kilala kasi ang mang-aawit sa kanyang makapangyarihang rendisyon ng mga patriotic at classical pieces.

Tinuturing din itong pagkilala at pagpupugay sa husay ng talentong Pilipino sa pandaigdigang entablado.

Ang pambansang awit ay mahalagang bahagi ng SONA bago magtalumpati ang Pangulo sa harap ng Kongreso, mga opisyal ng gobyerno, foreign dignitaries, at milyun-milyong Pilipino sa buong mundo.

Facebook Comments