THERAPIST, TIMBOG SA ISANG BUY-BUST OPERATION

Cauayan City – Bagsak sa kamay ng mga awtoridad ang isang Street Level Individual (SLI) matapos mahuli sa isang buy-bust operation sa Rizal Ave., Brgy. District 1, Cauayan City, kahapon, January 27, 2025.

Kinilala ang suspek na si alyas “Carlo” at nasa wastong edad.

Nasamsam sa suspek ang isang bond paper na may lamang tuyong dahon ng marijuana, isang medium-sized plastic sachet na may dried marijuana leaves, isang genuine ₱1,000 buy-bust money, isang ID, dalawang lighter, isang smartphone, at isang bag.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station ang suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, pinuri naman ni PCOL Lee Allen Bauding ang matagumpay na operasyon at muling tiniyak na mananatiling agresibo ang Isabela PNP sa pagsugpo sa ilegal na droga para sa isang ligtas at maunlad na komunidad.

Facebook Comments