Ito ang pahayag ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-demand sa Maynilad at Manila Water na maglabas ng tubig mula sa Angat Dam na tatagal ng 150 araw.
Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, mali ang advise kay Pangulong Duterte.
Aniya, hindi naman mabibilang ang suplay ng tubig mula sa Angat Dam sa kung ilang araw nito kayang magserbisyo kundi sinusukat by million liters per day.
Nakausap na rin daw niya sina Communications Secretary Martin Andanar At Executive Secretary Salvador Medialdea hinggil dito.
Ayon pa kay Velasco, ang talagang isyu ang kung papano mapupunan ang kakulangan sa tubig.
Facebook Comments