Things You Should Stop Buying to Save Money

Madalas nating sabihin na magtitipid tayo pero bili pa rin tayo ng bilki ng maga bagay na hindi naman natin kailangan. Ito ang ilan sa mga bagay na kapag tinigil mong bilhin ay siguradong makakaipon ka.

1.   Branded Clothing and Accessories

Madalas ay bumibili tayo ng mga damit at accessories na branded. Kung minsan ay katumbas pa ng presyo ng isang damit ang gastusin niyo sa loob ng isang araw. Para makatipid ay mag mix and match ka nalang ng mga luma mong damit o kaya sa mas murang stores ka bumili.


 2.   Buying Lunches

Hilig nating bumili ng lunch everyday lalo na sa mga nagtatrabaho. Napakalaking tipid kung gigising ka ng 15 minutes earlier para makapagluto ng lunch mo.

3.   Bottled Water

 Araw-araw ay napakaraming bumibili ng bottled water. Sa sampung piso araw-araw ay napakalaking gastusin na. Mainam na bumili ka ng tumbler at magbaon ka nalang ng tubig mo. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa pagbabawas ng plastic sa kapaligiran.

 4.   Expensive Makeup

Para sa mga makeup lover lalo na sa girls, hindi maiiwasang bumili ng mamahaling makeup lalo na kung sobrang ganda ng quality nito. Mas maganda na i-mix mo ang ilan sa mga mamahaling makeup mo sa mga drugstore makeup. Marami rin sa mga drugstore makeup ang sulit at mura.

 5.   Paper Towels

Sobrang dami nating nagagamit na paper towels sa isang araw. Gumamit na lamang ng rags sa paglilinis at cloth napkin.

 6.   Household Cleaner

Suka at lemon juice ang pwede mong ipalit sa all-purpose cleaner mo. Ito ang pwede mong gamitin sa mga glass at mirrors. Sa toilet bowl naman ay gumamit ng baking soda at suka.

 7.   Shave Gel

 Sa pagshe-shave ay pwedeng conditioner ang gamitin mo. May shaving gel ka na, nakapag-moisturize ka pa.

 8.   Body Lotion and Makeup Remover

 Coconut oil ang mas magandang gamitin mo bilang lotion at makeup remover. Bukod sa nakatipid ka ay natural pa ang pag-aalaga mo sa skin mo.

9.   Lottery Tickets

Karamihan sa atin ay nakasanayan nang tumaya sa loto araw-araw. Hindi masamang umasa na maari kang manalo pero isipin mo nalang ang ginagastos mo sa bawat ticket na binibili mo. Magkano na sana ang naipon mo ngayon?

Facebook Comments