Dumating na sa bansa ang third batch ng rice donation ng Government of Korea para sa relief efforts ng gobyerno sa gitna ng pandemya.
Aabot sa 200 metric tons ng well-milled rice na nagkakahalaga ng P10 milyon ang tinanggap na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Unang tinanggap ng DSWD ang first batch ng rice donation noong October 1, 2020 na umaabot sa 40 metric tons.
Ang second batch naman ay dumating noong October 3 na abot sa 80 metric tons.
Ang mga rice donation ay ipapaketera para maisama sa family food packs na ipapamahagi sa mga Local Government Unit (LGU) bilang tulong sa food items para sa kanilang mga residente.
Sa ngayon ay inihahanda na ang 33,334 FFP para ipamigay sa 166,670 individuals na apektado ng pandemic.
Facebook Comments