THIRD LEVEL NG PRO1, SUMAILALIM SA SURPRISE DRUG TEST

Sumailalim sa isang surprise drug testing sa PRO 1 Conference Room ang mga third level officer pati ilang Police Lieutenant Colonels ng Police Regional Office 1.
Ang nasabing drug testing ay kaagad na isinagawa matapos lagdaan ng Third level Officers ang kanilang courtesy resignation bilang suporta sa apela ng SILG at CPNP sa lahat ng PNP full colonels at generals na magsumite ng kanilang courtesy resignation bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na alisin sa puwersa ng pulisya ang mga opisyal na sangkot sa kalakalan ng iligal na droga.
Pinangunahan ni PRO 1 Regional Director, PBGEN JOHN CHUA, ang buong command sa pagpirma sa kanyang courtesy resignation, na sinundan ni PBGen. Carlito Cases, Deputy Regional Director for Administration at lahat ng iba pang Police Colonels.

Nasa kabuuang 17 Third level PCO ang pumirma sa kanilang courtesy resignation na katumbas ng 100% ng kanilang kabuuang bilang. Samantala, 34 na matataas na opisyal ang sumailalim sa surprise drug test.
Ayon kay PBGEN JOHN CHUA, lahat naman ng drug test ay nag-negatibo ang resulta para sa paggamit ng mga iligal na droga at isa itong paraan nila ng pagpapakita ng kanilang buong suporta sa SILG at CPNP.
Dagdag pa niya, sa ganitong paraan, mapapatunayan nila sa mga tao na sila ay may malinis na konsensya at seryoso sa paglaban sa iligal na droga. | ifmnews
Facebook Comments