Third round ng peace talks sa pagitan ng Ukraine at Russia, isasagawa ngayong araw

Nakatakdang isagawa ngayong araw ang ikatlong peacetalk sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ayon kay Ukrainian negotiator David Arakhamia, hinihintay na lamang nila ang tugon dito ng Russia upang kumpirmahin ang ikatlong peacetalk.

Naunang nang nagkasundo ang magkabilang panig na payagan ang sibilyan na makatakas.


Sa kabila nito, patuloy ang panawagan ni Ukraine President Volodymyr Zelenskyy sa mamamayan nito na huwag umatras at sumuko hangga’t hindi pa natatapos ang krisis.

Iginiit naman ni Russian President Vladimir Putin na maihahalintulad sa pagdedeklara ng giyera ang Western sanction sa Russia.

Kasabay nito, nagbabala ang International Monetary Fund (IMF) na asahan na ang matinding epekto sa ekonomiya sa buong mundo ng nangyayaring gulo sa Ukraine.

Facebook Comments