Thirdy Ravena, handang sumali sa Gilas Pilipinas sa darating na FIBA Asia Cup

36

Inamin ni Thirdy Ravena na hindi pa siya nakakatanggap ng imbitasyon mula sa Gilas Pilipinas sa darating na FIBA Asia Cup at Olympic Qualifying Tournament.

Ayon kay Gilas Pilipinas Director Tab Baldwin, nagkaroon ng problema sa iskedyul ni Ravena sa San-En Neophoenix dahilan kaya nahirapan itong makapag-ensayo para sa national team.


Pero ayon kay Ravena, handa naman siya sakaling matawag dito.

Ang third at final qualifying window ng FIBA Asia Cup ay gaganapin sa Hunyo sa Clark, Pampanga kasunod ng Olympic qualifiers sa Belgrade, Serbia.

Sa darating na katapusan ng Mayo naman nakatakdang umuwi ng bansa si Ravena matapos ang professional basketball stint sa Japan B. League.

Facebook Comments