Thirdy Ravena, inalis na sa B.League All-Star Game

Photo Courtesy: Thirdy Ravena Instagram Post (@3rd_e)

Tuluyan nang inalis sa lineup ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa B.League’s All-Star Game na isasagawa sa January 15 hanggang 16 dahil sa hand injury.

Ito ay matapos magkaroon si Ravena ng fracture sa index finger ng kanang kamay sa laban ng San-En kontra Shibuya noong Sabado.

Ayon kay Ravena, sumailalim siya sa matagumpay na operasyon at kasalukuyang nasa recovery stage.


Papalitan si Ravena ni Takuya Kawamura ng Seahorses Mikawa squad.

Facebook Comments