Naranasan ni Thirdy Ravena ang unang pagkatalo sa 2020-21 B.League.
Ito ay matapos yumukod ang San-En NeoPhoenix sa Shimane Susanoo Magic sa score na 81-74, sa ikalawa nilang road game sa Yonago Industrial Gymnasium sa Tottori.
Nagbigay puntos naman si Ravena ng 12 points at eight rebounds sa naturang laban.
Nabigo ang NeoPhoenix matapos malagay sa foul-trouble ang ibang imports ng San-En kung saan agad natawagan ng dalawang foul si Kyle Hunt sa loob ng dalawang minuto sa 1st quarter habang si Stevan Jelovac ay may tatlong foul sa first half.
Mapapanood muli ang laro ng NeoPhoenix sa kanilang homecourt kontra sa Osaka Evessa sa Miyerkules (November 11).
Facebook Comments