Thomas Osmeña, kakasuhan ng DILG dahil sa paglimas sa mga kagamitan sa Cebu City Mayor’s Office

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government na sasampahan ng kaukulang kaso si dating Cebu City  mayor Thomas Osmeña dahil sa paglimas sa mga kagamitan ng tanggapan ng punong lungsod.

 

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Undersecretary Jonathan Malaya Malaya, inaantay na lamang nila ang rekomendsasyon ng DILG Cebu bago magsampa ng kaso.

 

Tumanggi naman si Malaya na banggitin kung anong kaso ang isasampa nila laban kay Osmeña.


 

Pero, ang malinaw ay  kakaiba at hindi kinakailangan ang naging aksyon ng dating mayor.

 

Mas mainam rin aniya kung magrereklamo rin mismong Cebu City LGU.

Facebook Comments