Threat assessment sa mga politiko, ipinag-utos ni PNP chief

Binigyang direktiba ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang lahat ng police regional directors na magsagawa ng threat assessment sa mga politiko sa kanilang nasasakupan.

Ayon kay Gen. Azurin, gusto niyang malaman kung ang sunod-sunod na pag-atake sa mga politiko ay may kaugnayan sa isa’t isa.

Ani Azurin, ang threat assessment ay para malaman kung sinu-sino sa mga politiko ang nanganganib ang buhay, upang makapagpatupad ng kaukulang security precautions.


Matatandaang kamakailan tinambangan si Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong at maswerteng nakaligtas ito samantalang nasawi naman si Aparri Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda nitong Linggo matapos itong tambangan din ng mga armadong lalake habang sugatan ang alkalde ng Datu Montawal, Maguindanao del Sur sa pamamaril sa Pasay City nitong Miyerkules.

Facebook Comments