THREAT GROUPS | Buong Masbate, idineklarang election hotspots

Masbate – Idineklara nang election hotspots ang buong lalawigan ng Masbate kaugnay ito sa gaganaping Barangay at Sanggunian Kabataan Election.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao, batay sa isinagawang assessment ng PNP at ng Commision on election natukoy na may presenya ng threat groups at may intense political rivalries sa mga kandidato at supporters sa Masbate.

Bukod pa sa history of violence ng Masbate sa mga nakalipas na eleksyon.


Kaya naman bilang bahagi ng security measures ay ang pagbuo ng Regional Special Operations Task Group Masbate na pinamumunuan ng Operations ng Bicol regional police.

Mas magiging visible aniya ang presenya ng mga pulis at sundalo sa Masbate bago habang at pagkatapos ng Brgy at SK election.

Unang sinabi ng Philippine National Police na mayroong 5744 na election watchlist areas pero Masbate pa lamang ang idineklang election hotspots batay na rin sa pagaproba ng COMELEC.

Facebook Comments