THREAT | Iran, itinuturo ng US sa likod ng mga banta sa kanilang mga misyon sa Iraq

Itinuturo ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo ang Iran na pinagmumulan ng threat sa American missions sa Iraq.

Ayon kay Pompeo – dapat mabasura ang treaty of amity sa Iran para madagdagan ang maipataw na sanctions sa kanilang missile programs.

Subalit ipinag-utos ng International Court of Justice (ICJ) ang U.S. na tiyakin na hindi maapektuhan ang humanitarian aid o civil aviation safety ang ipinapataw nitong sanctions sa Tehran.


Nanindigan naman si Pompeo na walang hurisdiksyon ang korte sa isyu.

Samantala, ikinatuwa naman ng Iran foreign ministry ang desisyon ng ICJ at patunay na ang U.S. sanctions ay ilegal at walang habag.

Facebook Comments