Isasailalim na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa validation ang impormasyon na posibleng may banta ng terorismo sa Southeast Asia kabilang na ang Pilipinas.
Ito ay kasunod ng babala ng Japanese government sa kanilang mamamayan na nasa Pilipinas, Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, at Myanmar na pinapaiwas muna sila sa mga matataong lugar.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na sa ngayon ay nananatiling nasa ‘moderate’ ang tinatawag na threat level dito sa bansa.
Mula noong 2017, mas naging mahigpit na ang seguridad ng Pilipinas kasunod na rin ng nangyaring Marawi Siege ng Maute terrorist group.
Facebook Comments