Three counts ng paglabag sa anti-wiretapping act, isasampa ni Justice Sec. Aguirre kay Sen. Risa Hontiveros

Manila, Philippines – Three counts ng kasong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law ang isasampa sa susunod na linggo ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre laban kay Senadora Risa Hontiveros.

May kaugnayan ito sa pagbubunyag ni Hontiveros sa nilalaman ng text message ni Aguirre kay dating Cong. Jacinto Paras.

Ayon kay Aguirre, damay din sa kaso ang mga nag-validate ng larawan ng text message.


Sinabi ni Aguirre na maghahain din siya ng kasong kriminal sa Ombudsman laban kay Hontiveros at civil case na isasampa naman sa Regional Trial Court.

Maghahain din ang kalihim ng Ethics complaint sa Senado laban kay Hontiveros.

Facebook Comments