THREE COUNTS | Perjury, inihain laban sa isang casino operator

Manila, Philippines – Nahaharap sa kasong perjury ang isang mataas na opisyal ng casino operator na Tiger Resort Leisure and Entertainment Inc. (TRLEI) dahil sa mali at malisyosong akusasyon nito laban sa isang manufacturing company.

Sa 16-pahinang rekamo na inihain sa Office of the City Prosecutor ng Parañaque noong Hunyo 28, 2018, inakusahan ni Tetsuya Yokota, Pangulo ng Aruze Philippines Manufacturing Inc. (APMI), si Dindo Espeleta, Chief Executive Advisor ng TRLEI, ng tatlong kaso ng perjury.

Ayon kay Yokota, nagbigay ng maling pahayag si Espeleta sa reklamong Estafa na isinampa ng TRLEI noong Disyembre 5, 2017 laban sa kanya at iba pang akusado kaugnay ng pag-su-supply ng LED strip lights na nagkakahalaga ng $4.5 milyon para sa casino-resort na Okada Manila.


Sinabi ni Yokota na ang mali at malisyosong pahayag ni Espeleta ay makikita sa paragraphs 23, 24 at 36.1 ng kanyang reklamo laban sa APMI.

Noong Mayo 15, 2018, ibinasura ng Office of the City Prosecutor ng Parañaque ang kasong estafa na inihain ng TRLEI laban sa APMI kaugnay ng umano ay depektibong ilaw.

Ibinasura ng City Prosecutor ang kaso dahil sa kawalan ng sapat na batayan para ito ay maihain sa hukuman.

Paliwanag ni Yokota, mapatutunayan sa palitan ng e-mail, kung saan kasama sa napadalhan si Espeleta, na alam nito at ng TRLEI na ang J&J Philippines Corporation ang mag-su-supply ng LED strips na magiging bahagi ng produktong LED ng APMI.

Facebook Comments