THUMBS UP | Sharon Cuneta – pinuri ang “self-love” ni KC Concepcion

Manila, Philippines – Binigyan ng “thumbs up” ni mega star Sharon Cuneta ang desisyon ng anak niyang si KC Concepcion na manatiling single by choice.

Kasunod ito ng naging post ni KC sa Instagram kung saan sinabi nito na hindi niya kailangan maging ‘in a relationship’ para maging maganda.

Isang shoulder-baring photo pa niya ang ibinahagi ni kc na may caption na: “if you’re waiting for your next love, look in the mirror.”


Isa naman ang Mega Star sa pumuri sa ipinahayag na “self-love” ng kanyang anak at say niya: “much better. so beautiful.”

Samantala, hindi pa naman malinaw kung nagkausap na ba ng personal o sa pamamagitan ng personal messages ang mag-ina.

Matatandaang sinabi kamakailan ni Sharon na nami-miss na niyang maging ina ni KC na matagal na rin niyang hindi nakakasama dahil sa pagiging “medyo too independent” ng aktres.

Facebook Comments