Asahan ang mga thunderstorm sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Loriedin Dela Cruz, madalas na nangyayari ito sa hapon at gabi dahil sa mainit na panahon sa tanghali at hapon.
Gamitin ang automatic folding umbrella habang nakikisaya sa Paruyan Festival sa Talisay, Camarines Norte dahil magiging maulan sa halos buong Luzon.
Mamangka sa Lake Balanan sa Negros Oriental habang maaliwalas sa umaga at maulan sa hapon.
Isuot ang silicone shoe cover para hindi ka maputikan habang umaakyat ng Mount Melibengoy sa South Cotabato dahil may kalat-kalat na pag-ulan din sa Mindanao.
Samantala, patuloy na binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) na nasa 640 kilometers silangan ng Kasiguran Aurora at wala pang direktang epekto ito sa bansa.