Thurman hindi dapat makampante sa laban nila ni Pacman

422

Hindi dapat masyadong makampante si American boxer Keith Thurman sa kaniyang tyansang tapatan si Senador Manny Pacquiao sa kanilang laban sa susunod na buwan.

Ayon kay Mayweather Promotions CEO Leonard Ellerbe – base raw sa kanyang personal na karanasan, iba umano ang pakiramdam lalo na kapag nakatapak na sa loob ng boxing ring.


Babala pa ni Ellerbe, mas mainam na panindigan ni Thurman ang kanyang panta-trashtalk kay Pacquiao hanggang sa kanilang fight night.

Dagdag pa ni Ellerbe na mas madali umanong sabihin na talunin ang mas nakatatandang si Pacquiao kaysa gawin.

Ayon naman kay Pacquiao, gagawin niyang motibasyon ang ginagawang “trash talking” ni Thurman upang magwagi sa kanilang bakbakan.

Determinado pa raw siya na ipakita na nagkamali si Thurman sa banat nito na pagreretiruhin na siya nito.

Facebook Comments