TIC-TAC-TOE | Video ng tinaguriang “heavyweight clash” sa British street, viral

Mabilis na nag-viral sa social media ang video ng tinaguring “heavyweight clash” sa British street.

Sa 13-second clip, makikitang nakaparada sa harapan ng bus lane ang dalawang excavator truck habang naglalaro ng “tic-tac-toe” na katulad ng larong S-O-S ng mga Pinoy!

Ayon sa nag-post ng video na si Jordan Routledge, mukang bored sa trabaho ang dalawang JCB drivers kaya naisipan nilang maglaro.


Dalawang araw pa lang matapos na i-upload ang video, humakot na ito ng 4 million views at 135,000 shares!

Kung may nalibang sa video, may iba namang nadismaya at sinisi ang dalawang mega-machine drivers sa matagal na construction projects.

Facebook Comments