Magsisimula na ang opening ceremony sa November 30 ng makasaysayang Southeast Asian Games sa bansa na gaganapin sa Philippine Arena, ang pinakamalaking intral stadium sa buong mundo na kayang magpuno ng 55,000 katao.
Bukod sa aerial performances at fireworks ay may mga panibagong ideya din ang maaaring mapanood ng live na nagkakahalaga ng:
12,000 php – Patron A
4,000 php – Upper Box
1,500 php – General Admission Center
1,000 php – General Admission Side
Ayon kay Ramon “Tatz” Suzara ng chief operating ng PHISGOC – suportado nila ang nasabing ceremony dahil ito na ngayon ang pinakamakabagong teknolohiya ng sports sa bansa.
Aniya, bukod sa mga special effects na bibida at iba pang palabas na ipapakita, mag-iiwan din sa puso at isipan ng mga manonood ang kakaibang disenyo ng event.
Samantala, nagpaalala naman ang pamunuan ng Philippine Arena na huwag nang magdadala ng bag sa panonood para maging ligtas sa lahat.