TIG-₱3,000 NA FUEL SUBSIDY, IPINAMAHAGI SA 134 MANGINGISDA SA DAGUPAN CITY

Ipinamahagi ang fuel subsidy sa 134 mangingisda sa Dagupan City bilang tulong sa kanilang kabuhayan sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.

Tumanggap ang mga benepisyaryo mula sa mga barangay ng Pugaro, Bonuan Binloc, Bonuan Gueset, Lomboy, Salapingao, Calmay, at Pantal ng fuel subsidy cards na nagkakahalaga ng tig-₱3,000.

Pinangunahan ang aktibidad ng City Agriculture Office sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Kasabay nito, pinaalalahanan ang mga mangingisda hinggil sa mga serbisyong maaaring ma-avail mula sa lokal na pamahalaan, kabilang ang suporta sa mental health. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments