Mahigit 400 residente ng Barangay Binloc ang naapektuhan matapos masira ang kanilang mga tahanan dahil sa malalakas na hangin at tatlong metrong storm surge na dulot ng Bagyong Uwan.
Marami sa mga bahay ang nagtamo ng partial damage, dahilan upang pansamantalang maantala ang normal na pamumuhay ng mga pamilya sa komunidad.
Bilang tugon, bawat apektadong household sa Binloc ay makatatanggap ng ₱5,000 sa ilalim ng Emergency Cash Transfer (ECT) program ng pambansang pamahalaan.
Ang ayuda ay ipinagkakaloob bilang bahagi ng mabilisang interbensyon na ipinatutupad ng kasalukuyang administrasyon upang agad na makapagsimula ng pagbangon ang mga pamilyang nasalanta.
Layunin ng ECT na magbigay ng agarang tulong-pinansyal para sa mga pinakaapektadong komunidad, partikular na sa mga nawalan ng tirahan, kabuhayan, o nakaranas ng pinsalang nakaapekto sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Inaasahang makatutulong ang pinansyal na suporta upang makabili ang mga residente ng pangunahing pangangailangan habang nagpapatuloy ang rehabilitasyon sa kanilang lugar.
Patuloy namang nakikipagtulungan ang lokal na pamahalaan at mga kaukulang ahensya upang siguraduhing mabilis at maayos na maipamahagi ang ayuda sa lahat ng kwalipikadong benepisyaryo sa Barangay Binloc.
Facebook Comments









