TIGDAS OUTBREAK | Ilang barangay sa Pagadian apektado sa pagkalat ng tigdas

Pagadian – Kinumpirma ng City Health Office (CHO) ang pagkalat ng sakit na tigdas sa lungsod ng Pagadian.

Sa pahayag ni Dr. Noel Cineza, ng CHO sinabi nitong mayroon na silang mga hakbang para protektahan ang mga residente sa syudad.

Nagbabahay-bahay na umano ang mga health worker sa mga barangay ng lungsod para magbakuna ng anti-measles o pangontra sa tigdas ang mga batang anim na buwan hanggang limang taon gulang.


Binigay din umano ito kahit pa sila ay nabakunahan na dati.

Aniya, ang tigdas ay isang nakahahawang sakit na maaaring magdulot ng kamatayan sa mga musmos na kasimbata ng tatlong buwan.

Nanawagan naman si Ceniza sa mga magulang na suportahan ang immunization program upang makaiwas ang mga kabataan sa pagkakaroon ng sakit na tigdas.

Facebook Comments