Tigdas outbreak sa ilang rehiyon sa bansa, hindi muna aalisin

Kahit kontrolado na, hindi muna aalisin ng Department of Health (DOH) ang outbreak ng tigdas sa ilang rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, hindi pa rin kasi nila malaman kung kailan i-aalis ang measles outbreak.

Pero sinabi ng kalihim na muli nang nagtitiwala ang publiko sa mga bakuna ng pamahalaan.


Aniya, base sa Philippine Survey Research Center na kinomisyon ng Malacañan, 94% ng mga respondents ang nagsabing mahalagang mapabakunahan ang kanilang anak.

Matatandaang ang outbreak ay nakadeklara sa National Capital Region, Calabarzon, Western Visayas at Eastern Visayas.

Pinaalahanan ng DOH ang mga health worker na patuloy na gawing accessible sa tao ang mga bakuna.

Base sa latest report ng DOH-Epidemiology Bureau, nasa 775 measles cases ang naitala mula April 7 hanggang April 13.

Facebook Comments