Paiigtingin ng Department of Health (DOH) ang kanilang measles vaccination activities sa mga estudyante mula kindergarten hanggang grade six bago matapos ang klase sa April 15.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III – target nila ang pagpapabakuna sa mga mag-aaral lalo at malapit nang matapos ang kanilang vaccination sa mga health centers.
Aniya, layunin nito na maprotektahan ang mga bata kontra tigdas sa summer vacation.
Umapela ang DOH sa mga magulang na mapabakunahan ang kanilang anak laban sa tigdas.
Sa huling datos ng DOH, nasa 18,553 measles cases ang naitala sa bansa, kung saan 286 na ang namatay.
Facebook Comments