Binigyan ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ng sampung araw ang mga operators ng floating cottages sa Cordova at Mactan Island upang itigil ang kanilang operasyon.
Ito ay matapos mag-isyu si Garcia ng ultimatum kasunod ng pagpupulong ng gobernador at ni Cordova Mayor Cesar Suan sa mga my-ari ng mga floating cottages noong Miyerkules hinggil sa mataas na coliform level na naitala sa katubigan ng bayan.
Pinag-usapan dito ang tigil-operasyon sa mga naturang istruktura upang magbigay-daan sa rehbalitasyon ng dagat at itinuro ang hindi makontrol na dami ng floating cottages sa pagsama ng kalagyan ng tubig doon.
Nakatakdang mag-isyu ng isa pang Executive Order upang gawing pormal at opisyal ang kaniyang kautusan.
Tinatayang nasa higit 400 floating cottage operators ang inaasahang magtitigil ng kanilang operasyon sa August 29.
Mababatid na lumabas sa pagsusuri ng Environmental Management Bureau- Central Visayas (EMB-7) na pumalo sa 1,300 most probable number (MPN) per 100 milliliters ang coliform level sa katubigan ng Cordova, malayo sa allowable level na 100 MPN per 100 ml.