Manila, Philippines – Planong makipagdayalogo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa transport group na PISTON kaugnay ng bantang tigil-pasada.
Ayon kay LTFRB Executive Director Samuel Jardin, layon ng dayalogo na makahanap ng solusyon na magbebenepisyo sa lahat lalo na sa mga pasahero.
Hinimok din ng LTFRB ang grupo na ipabatid sa ahensya ang kanilang mga hinaing bago magsagawa ng mga marahas na hakbang gaya ng tigil-pasada.
Una rito, nagbanta ang PISTON ng dalawang araw na transport strike sa pagpasok ng 2019 kung patuloy na igigiit ng Department of Transportation (DOTr) ang modernisasyon sa mga pampublikong sasakyan at ang pagbawi ng LTFRB na taas-pamasahe sa jeep.
Facebook Comments