
Manila, Philippines – Ihahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang traffic management at emergency response sa gagawing transport strike ng PISTON sa December 4 at 5.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager for Planning Jojo Garcia – magpapakalat sila ng mga tauhan para tulungan ang mga motorista at mga pasaherong maapektuhan ng tigil-pasada.
Magtatalaga rin ng MMDA ng mga bus at trucks para magbigay ng sakay sa mga pasahero.
Hinihimok din ni Garcia ang publiko na gamitin ang Pasig River Ferry Service bilang alternatibong transportasyon.
Facebook Comments









