Iba’t ibang reaksyon ng mga pasahero sa ikinakasang isang linggong tigil-pasada ng ilang transport groups kung saan nirerespeto ng grupong The Passenger Forum at PISTON.
Ayon sa interview ng RMN Manila sa ilang pasahero, mariin nilang tinututulan ang isang linggong tigil-pasada dahil malaking epekto sa kanila ang gagawing tigil-pasada simula sa Marso 6.
Hindi pa anila napapanahon upang magsagawa ng tigil-pasada kaya’t dapat umanong panghimasukan na ng gobyerno ang naturang usapin.
Nirerespeto naman ni PISTON National President Modesto Floranda ang ikakasang tigil pasada ng ilan nilang kasamahan.
Mungkahi nila na dapat ay magbigay ng mas mataas na subsidiya ang gobyerno sa mga transport sector upang umusad ng maayos ang naturang programa.
Facebook Comments