Tigil-pasada ng mga delivery rider, ramdam sa Metro Manila

Naramdaman na sa Metro Manila ang tigil-pasada ng mga delivery rider.

Apektado rito ang mga empleyado ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno at mga tauhan ng mga pribadong kompanya dahil walang food deliveries mula sa iba’t ibang restaurant sa Metro Manila lalo na sa Quezon City na sineserbisyuhan ng Grab riders.

Ayon kay Ernesto Mira Cordova, isa sa Grab driver na sila ay naka-offline at walang makikitang grab rider sa mga kainan bilang suporta sa iba pang mga kasamahan na nagtigil pasada.


Sentimiyento ng mga Grab riders na tumigil pasada sila dahil hindi na matanggap ang hindi makatarungang pagpapatupad ng kompanyang Grab sa pagbawas sa kanilang kita ng P45 mula sa dating P35 reduction base fare kasama na ang P10 bawas sa 6 kilometer minimum per kilometer rate na dati ay P7 lamang.

Facebook Comments