Tigil-pasada ng PISTON at MANIBELA, masusundan pa bago ang mismong araw ng PUV Modernization Program

Hindi titigil ang grupong PISTON at MANIBELA sa isasagawang nilang tigil-pasada dahil masusundan pa ito bago ang mismong araw ng deadline ng franchise consolidation.

Ayon kay PISTON Secretary General Ruben Baylon, hindi lamang dalawang araw na tigil-pasada ang kanilang gagawin bagkus ay kanila pang paghahandaan ang malakihang tigil-pasada na gagawin sa Abril 29, 30 at Mayo 1.

Paliwanag pa ni Baylon na kanilang pupulungin ang lahat ng mga leader sa buong bansa upang kanilang talakayin ang ikakasa ng malawakang tigil-pasada.


Nagbanta pa si Baylon na ilulunsad nila ang tatlong araw na malawakang tigil-pasada kung itutuloy pa rin ng gobyerno ang PUV Modernization Program pero kung magbago pa ang isip ng pamahalaan ay ipagpapaliban nila ang gagawing malawakang tigil-pasada.

Facebook Comments