TIGIL PASADA | Panibagong jeepney strike, ikakasa

Manila, Philippines – Magsasagawang muli ng panibagong jeepney strike ngayong buwan.

Ito ang kinumpirma ng pinagkasiang samahan ng tsuper at operator nationwide o PISTON President na si George San Mateo.

Matatandaang noong nakaraang disyembre ay iniurong nila ang dalawang araw na protesta dahil sa hiling ni Senator Grace Poe na maglabas ng saloobin sa isang senate hearing.


Dagdag pa ni San Mateo, nakatanggap siya ng mga report na bigo ang ilang jeepney operators sa pagpapa-renew ng kanilang prangkisa.

Hindi sinabi ni San Mateo kung kailan nila isasagawa ang strike dahil ayaw raw nilang malaman ng gobyerno ang mga plano nila.

Facebook Comments