TIGIL-PASADA | Prangkisa at lisensya ng mga sasali, kakanselahin

Manila, Philippines – Inatasan na ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na kanselahin ang prangkisa at lisensya ng mga operator at drivers ng mga pampublikong sasakyan na sasali sa transport strike sa December 4 at 5.

Ayon kay Tugade – hindi niya hahayaang magkaroon ng paralisadong public transportation.

Ani Tugade – iniimbitahan nila ang PISTON para sa dayalogo pero patuloy pa rin ang pagsasagawa nila ng tigil-pasada.


Matatandaang makailang beses na nagsagawa ng malawakang tigil-pasada ang PISTON sa pangunguna ng kanilang pinuno na si George San Mateo bilang pagtutol sa jeepney modernization program na ipapatupad na sa Enero ng susunod na taon.

Facebook Comments