Friday, March 27, 2026

Tigil pasada, ramdam na sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa QC

Nagsimula nang maramdaman ang tigil pasada ng iba’t ibang transport group sa ilalim ng No to Price Hike Coalition sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

As of 6:30, nagsimula nang dumami ang mga taong walang masakyan sa bahagi ng Philcoa dahil sa kakaunting bilang ng jeep na pumasada ngayong umaga.

May mga mangilan-ngilang bumiyahe kanina upang makakuha ng kaunting kita na maiuuwi sa pamilya.

Dahil sa tumal ng jeep, nag-uunahan ang mga pasahero at ang ilan ay sinasalubong na ang mga paparating pa lang na jeep.

Kabilang sa ruta na walang gaanong jeep na bumiyahe ay ang patungong Cubao at lungsod ng Maynila.

Kabilang sa hindi pa nakasasakay ang pamilya ni Arnold Geronimo na papunta sa Quiapo para magsimba.

May mga libreng sakay na rin na dumaan, gaya ng libreng sakay na handog ng Office of the Vice President (OVP) na biyaheng Cubao.

May nauna na ring dalawang bus na libreng sakay ng House of Representatives.

Facebook Comments