Manila, Philippines – Nangako ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na tutuparin ang idineklarang ceasefire sa kabila ng mga pag-atake ng New People’s Army (NPA).
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Col. Edgard Arevalo, mananatiling tapat ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pagtupad ng ceasefire.
Pero, sa kabila nito sinabi ni Arevalo na palaging nasa active defense ang AFP sa posibilidad ng pag-atake ng NPA.
Mananatili aniyang nakahanda ang mga sundalo sa anumang karahasan na pwedeng gawin ng NPA lalo pa’t mismong ang mga ito ay lumabag sa kanilang sariling unilateral ceasefire nitong Pasko.
Hindi na magtataka si Arevalo kung may mga pag-atakeng gagawin ang grupo lalo pa’t nawala na sa mga ito ang ideolohiya sa kanilang mga ipinaglalaban at sa halip ay puro terroristic acts na ang ginagawa.